Saturday, May 19, 2012

Asawa Ko


   Si Mylene P. Ellenas yan name ng wife ko ....May 19 na ngayon hays bukas May 20 birthday na nya. sobrang miss ko na asawa ko. Lalo na pag birthday nya kasi ako lagi nag luluto ng handa para sa kanya. Napaka simple lang nya at kuntento na sa kung ano ang nakahanda yan ang isa sa mga katangian nagustuhan ko sa kanya.
     Nag ka kilala kami noon 13 years ago sa Jolibee Makati Cinema Square parehas kaming service crew noon pero hindi nya ako pansin at ako din iba ang gusto ko noon pero sa katagalan nakita ko katarayan at kasimplehan nya. Cute sya heheheheh ang liit at laging naka ngiti kahit di kayo close lagi syang smiling face. pero seryoso sa trabaho! masyado ng mahaba kung i detalye ko pa panliligaw ko sa kanya hehehehe.. in the end naging kami at kinasal noong Nov. 17, 2000  at binigyan nya ako ng 3 magagandang anak.
     Very thankful ako at sya naging wife ko sya dahil sa tyaga at pang unawa nya sa ugali ko. Grabe rin kasi mga sakripisyo nya para sa amin lalo na ngayon wala ako sa tabi nya at sya nag papalaki sa 3 naming makukulit na anak.
      Ngayon Birthday nya wish ko good health at maligaya sana sya palagi tulad noong unang kita ko sa kanya. Kahit malayo ako lagi ko syang iniisip 3x a day hehehehhe...I miss you mang,,,love u panget.....(Panget tawagan namin)

1 comment:

  1. thank u panget, love u and we miss u so much! ingakt ka po dyan palagi wag mo kami masyado alalahanin dito lalo namga bata basta alagan mo lang sarili mo dyan hirap magkasakit kasi kaw lang mag isa dyan.GOD bless u always! mwahhhh...

    ReplyDelete