Noong una ko na work na ito ilang beses naiipit ang daliri ko sa roller ng conveyor. Yung nakikita nyong umiikot na bakal. Kailangan mo kasing diinan mabuti at ipantay yung board bago kainin ng roller at malagyan ng tape. Dapat kasi yung butas matakpan ng tape. 3 area ang nilalagyan ng tape sa video 2 lang yung pangatlo dun na sa kabila may nakabang na koreana maglalagay ng tape, yung isa mag puputol, tapos yung isa mag lalapat at mag che chek kung nakadikit ng maayos at yung pang huli ay mag kokolekta at ilalagay sa paleta.
Sa una nalilito pa ako kasi mabilis ang conveyor at yung katabi ko na koreana mabilis maglagay,tinatambakan ako. pero sa kalaunan nasanay na ako at naging mahusay sa pag lapat ng tape. Hindi na naiipit ang daliri ko. pwera na lang kapag inaantok ako. Kasi minsan sa sobrang antok ,ko kinanin ng roller yung gloves ko napasama sa tape, tawanan silang lahat kasi pag labas ng conveyor kasama na yung gloves ko.
Kung titingnan mo napakadali pero sa sobrang dami halos tumigas na daliri ko sa sakit dahil sa kakadiin. Nakakaantok din kalaunan kasi wala kang gagawing kundi paulit ulit na ilalapat yung board sa conveyor. Alam ko na rin kung ilang minuto ang itatagal ng isang pares ng tape bago maubos at palitan, 6 minutes kung tuloy tuloy. Kaya nata tantya ko kung ilang oras at gaano katagal ang gugulin ko sa lahat ng tampura board na lalagyan ng tape.
Pinaka marami at pinaka matagal ko na ginawa ay 8 paleta 5 to 6 feet ang taas. inabot kami ng 4 na oras. Kaya minsan ang ginagawa ko nag lalagay ako ng headphone at nakikinig sa music o kaya pag di ko dala ang mp3 player ko kumakanta na lang ako para di ko mapansin ang dami at tagal ng gugulin ko.
Yan muna next time meron ulit .........
No comments:
Post a Comment