Sunday, April 22, 2012

Spray ng Rugby

Eto ang isa sa mga trabaho ko sa Tae Kwang Industry ang mag spray ng Rugby sa plastic. Kaya kailangan i spray dahil babalutan ito ng Tela o Cover ...parte ito ng upuan ng sasakyan ng Kia...Carnival yata..hindi ko alam eksakto ang model basta Kia ang brand ng kotse

Ang mahirap lang maramihan minsan 200,400 pag minalas 600 na piraso kada araw ang ini sprayan ko.. Kung titingnan mo madali lang, pero ang mahirap eh yung amoy ng rugby. Kung titingnan mo mabuti sobrang lakas ng preassure ng spray gun at halos kalat na ang rugby sa buong lalagyan. Inaabot minsa ng 2 o tatlong oras bago namin matapos ang lahat na dapat sprayan.

Kainis pa ang partner ko sa kanya kasi yung buong plate ang ini sprayan kung baga tandem kami kaso walang pakiramdam na may kasama sya basta pag tapos nya mag spray hagis agad sa conveyor. Kaya ang siste hindi ko na alam kung ilan na yung nalagay nya sa conveyor. Kaya ang ginagawa ko na lang ay ang mang hula at kung ilan pa ang dapat na piraso ang kailangang sprayan.

Sana magkaron ako ng lakas na magsabi sa amo ko na ayaw ko sa lugar na ito kasi  sumasakit ang dibdib ko tuwing pagkatapos mag spray.

No comments:

Post a Comment