Friday, January 7, 2011

Isang Buwan

January 7 na  eksaktong isang buwan na ako d2 sa Korea. Pero di ko pa rin talaga kaya ang lamig. Ang bilis ng oras naka isang buwan na din agad ako. Last post ko nga pala nung Lunes Jan. 3. Ngayon lang nasundan kasi puro OT hanggang 12 ng gabi. Ang daming pumapasok sa isip ko na isusulat, kaso pag nakaharap na ako sa laptop ko hindi ko na maisip. Hehehehehehe.

Ok na naman ako sa trabaho kahit papano nakaka adjust na ng kaunti sa mga gawain. Problema ko pa rin ang communication sa mga korean co worker ko. Simpleng utos lang hindi ko pa magawa kasi nga di ko maintindihan. Mababit naman silang mga Ajima (Manang o Ale). Bilib ako sa kanila kasi kahit na may edad na sila ang lalakas at mabibilis pa rin mag trabaho. Pala kaibigan din nung first day ko ang dami nilang tanong sa akin lahat sila nakangiti. Kung ano pangalan ko, edad, anak, may asawa na daw ba ako? bakit daw ako nag punta ng Korea? ano daw ginagawa ko sa Pinas, ano trabaho ng asawa ko?. May isang Ajima naka punta na sa Pinas. Ayaw nya daw sa Manila kasi magulo at mausok pero gusto nya ang Tagaytay at Laguna.

Ang dami ko pang isusulat kaso inaantok na ako, May pasok pa kasi bukas. Sa susunod ulit. Miss ko na ang pamilya ko at ang Pinas.

No comments:

Post a Comment