Sunday, January 9, 2011

Hyewa-Dong,South Korea

Kuya Edgar at si Sanny sa simbahan ng Hyewa
Nagpunta ako ng Hyewa-Dong ulit kanina. This time mag isa na lang ako pumunta, kasi si Joel may pasok kaya wala akong makasama. Actually may pasok din kami ako lang ang hindi pumasok. Kasi may padala ang asawa ko at need ko rin magsimba. Ok naman ang unang biyahe ko na mag-isa . Paalis na ako ng bahay nagkataon papunta ngh bayan si Joel kaya naki angkas ako sa motor nya. papuntang Baekam (Bayan namin). Pagadating ng Baekam bumili ako ng ticket ng bus papuntang Seoul. Ang sabi ko sa tindero Anyonghaseo! Ajosi Nambu Yok olmaheyo (Nambu station, how much). Bayad ako ng 4,200 Won tapos tamang tama ang dating ng bus. Maganda ang express bus d2 parang luxury bus kasi ang ganda ng loob parang eroplano. Isang oras ang byahe mula Baekam myeon papuntang Nambu Station Seoul. Pagdating ng Nambu saky naman ako ng subway train. papuntang Chongmuri  pagdating doon baba ako transfer naman ako ng line at sakay ng subway papuntang Hyewa. Pagdating ko dun punta agad ako sa kainan ng mga pinoy. Tinawagan ko agad nasa Woori Bank sya nagpapadala ng pera para sa manila. Tapos  kumain kami ngayonb lang ulit ako nakakain ng pagkaing pinoy. Sarap ng munggo na may isda, papaitan at bistek. Tapos nagsimba kami. Pag tapos nagkita na kami ni Sanny kasamahan ko dati sa True Value Hardware sa Pinas dala ang nya ang padala ng aking mahal na asaw. Tuwang tuwa ako ng makita ko sya niyakap ako kasi sabi nya nung nasa Pinas sya  niyakap daw sya ng asawa ko at umiiyak iyakap mo ako sa asawa ko. Tawanan. tapos nagpunta kami sa KFC. Hindi pala uso ang kanin na partner ng Manok heheheh. Masayang masaya ako kasi nakasama ko ang mga dati kong kaibigan at katrabaho sa Pinas. Syempre masaya ako kasi may padala si misis at may sulat ang mga anak ko.
KFC girl



hindi uso kanin dito na partner ng manok

Misa sa Hyewa
Ang lamig nag titik ng kandila gaya sa Baclaran
Pagkatapos namin kumain nagpunta kami ng Dongdemon isang lugar na sikat sa mga murang bilihin. Doon nakita ko sari sari mga gamit na mura. Nakabili ako ng winter shoes at jacket. Pasalamat ako kay Kuya Edgar kasi nakahiram ako ng 200,000 won para maipadala sa Misis ko at angtira pambili ng gamit. Sobra sopbra ang pasasalamat ko sa kanya kasi welcome ako sa kanya. Natapos ang araw na sobrang saya ko. Pag uwi ko binati ako ng mga kasama kong pinoy. Eto hapy hapy na ulit. haysssss....

No comments:

Post a Comment