Saturday, January 1, 2011

Ang Umpisa

Dumating kami dito sa South Korea nuong Dec. 7. Mga alas 5 ng umaga. Dumerecho agad ako sa training center. 3 araw kami duon. Sa ikatlong araw, Dec. 9, grabe ang kaba ko kasi hinihintay ko yung Sajangnim (Company president). Iniisip ko sana mabait at hindi ako aawayin. Lahat kaming mga EPS worker ay kabado at excited nung araw na yun. Sa wakas tinawag yung name ko at nakita ko na ang bago kong amo. Mag asawa sila. Lumapit ako at nag-greet ng anyonghashimnika (parang good morning). Ipinakilala ako at kinamayan ko sila.  Hindi pa ako masyadong marunong sa Hanguk Mal kaya hirap ko silang maka usap. Nasabi ko na lang Manaso pangapsumnida (Glad to meet you).Ngumiti sila at sumakay na kami sa kotse papunta sa factory.
Hindi  ko talaga pinalampas makahawak ng snow, hehehe.
Teka mali ang orasan ng camerang ginamit, Nuong Dec. 7 it
o.


Ang ganda ng Korea except nga lang sa lamig. Ayoko ng sobrang lamig kaya lang andito na ako kaya tiis na lang. Mga isang oras din ang byahe namin bago namin narating ang papasukan ko. Pagdating ko kain muna ng tanghalian as usual kimchi na naman. Sa tingin ko masasanay din ako sa kimchi. Pagtapos, ipinakilala na ako sa mga magiging kasama ko. Unang Pinoy na nakikila ko ay si Jomari, sumunod naman si Antonio at si Jerico. Lahat sila mababait at ok naman dahil tinutulungan nila ako. 


Kadrating ko lang pero umpisa na agad ang trabaho. Hataw na agad nung araw na yun  at natapos kami ng 9pm ......kaya pag uwi ko bagsak agad ako sa tulugan....

No comments:

Post a Comment