Kasama ko si Kuya Edgar sa Hyewa-dong Church. Unang simba ko nuong Dec.26
Dati sa panaginip lang yung paglalakbay sa ibang land, sino mag-aakalang andito na ako sa Korea. Nuong bata pa kami ni Edwin ang tukso sa akin Koreano at Vietcong kay Edwin dahil nga sa liit ng mga mata namin. Tingnan mo ang irony ng buhay ang Koreano ng south nasa Korea na nga. Nakakalungkot, nakakatakot at nakaka excite. Halu-halo ang emotions. Kailangang magtiis para sa tatlo kong mga anghel.
Kaya eto dito sa blog kong ito ishe-share ko sa inyo ang mga adventures ko. Para hindi naman ako ma home sick. Comment kayo ha.
No comments:
Post a Comment