Thursday, November 7, 2019

2019 Balik Pinas

Sa sobrang busy sa buhay. Ngayon ko lang ulit nabuksan ang blog ko. Nasa Pinas na nga pala ako. Ilang taon ko na rin hindi nabuksan at nakagawa ng sulat dito. madami na ring mga nangyari sa buhay ko at sa pamilya ko. Nakakatuwang basahin mga naisulat ko noon. Sana maging maayos at mabuti ang bagong page at kabanata ng buhay ko now na andito na ako muli sa Pilipinas.

Sunday, May 20, 2012

Saturday Work

Kahapon wala pasok. Pero dahil alam ng supervisor ko na need ko overtime dahil maliit ang sahod ko kaya pinapasok ako. Tinulungan ko si ajoshi mag gawa ng kart para sa mga product namin.


Saturday, May 19, 2012

Asawa Ko


   Si Mylene P. Ellenas yan name ng wife ko ....May 19 na ngayon hays bukas May 20 birthday na nya. sobrang miss ko na asawa ko. Lalo na pag birthday nya kasi ako lagi nag luluto ng handa para sa kanya. Napaka simple lang nya at kuntento na sa kung ano ang nakahanda yan ang isa sa mga katangian nagustuhan ko sa kanya.
     Nag ka kilala kami noon 13 years ago sa Jolibee Makati Cinema Square parehas kaming service crew noon pero hindi nya ako pansin at ako din iba ang gusto ko noon pero sa katagalan nakita ko katarayan at kasimplehan nya. Cute sya heheheheh ang liit at laging naka ngiti kahit di kayo close lagi syang smiling face. pero seryoso sa trabaho! masyado ng mahaba kung i detalye ko pa panliligaw ko sa kanya hehehehe.. in the end naging kami at kinasal noong Nov. 17, 2000  at binigyan nya ako ng 3 magagandang anak.
     Very thankful ako at sya naging wife ko sya dahil sa tyaga at pang unawa nya sa ugali ko. Grabe rin kasi mga sakripisyo nya para sa amin lalo na ngayon wala ako sa tabi nya at sya nag papalaki sa 3 naming makukulit na anak.
      Ngayon Birthday nya wish ko good health at maligaya sana sya palagi tulad noong unang kita ko sa kanya. Kahit malayo ako lagi ko syang iniisip 3x a day hehehehhe...I miss you mang,,,love u panget.....(Panget tawagan namin)

Thursday, May 10, 2012

Wonder Ajuma's

Kaninang umaga habang coffee break...nagpapahinga ako sa upuan.
Nang marinig ko pangalan ko "heru! iluwa!!"

susko magpapa picture lang pala mga nag isip bata hehehe pero kulit nila...eto pix nila...


Sunday, April 29, 2012

Mga anak ni Pango

Hays linggo na naman, maaga ako nagising na miss ko mga anak ko wala akong makulit. Pag ganito kasi ako kaaga gumising noon sa Pinas at ang mga bata tulog pa kinukulit ko sila. Ang ginagawa ko kinikiliti ko mga ilong nila. Ang sarap nilang pag masdan habang natutulog. iba ibang pwesto at posisyon. Parang ako nung bata pa, sa kanila ko nakikita yung mga dati na ako ang gumagawa, yun nga lang puro babae.


Grade School Uniform
 Ang panganay ko si Josiephine May binase ko name nya sa dalawang babae na mahalaga sa akin Josiephine sinunod ko sa name ng mama ko Josefina at May naman sa asawa ko. Parehas kami ng kapanganakan ni JM (nickname nya) July 21 kaya masasabi ko na regalo sya ng Diyos sa akin. Nung isinilang sya dun nagbago lahat ng pananaw ko sa buhay.20 anyos lang ako noon nung una ko syang masilayan ang liit nya. Ang sarap ng pakiramdam, na makita sya at malaman na may anak na ako.

Masayahin at mahilig kumanta si JM, Next na pasukan high school na sya. Excited na ako para sa kanya kasi ibang atmosphere ang high school life. Yun nga lang wala ako sa tabi nya para masabi at maikwento ko sa kanya mga experience ko nung high school ako. Sabi nga nila iba ang high school life talagang tatatak sa puso mo.
Josiephine May Graduation

Na miss ko mga bonding namin lalo na ang videoke. Natatawa na lang ako pag naaalala ko na lagi ko syang pinapagalitan pag mali at sintunado ang tono ng kinakanta nya. Naawa ako at naiiinis sa sarili ko kasi hindi naman ako magaling kumanta hehhehe kung baga yung frustration ko nung araw parang sa kanya ko gusto ma achieve. Pero naisip ko hindi dapat pilitin,dapat kung ano gusto nya at kung saan sya masaya dun dapat siya.

morning beauty!!!

Si Allysa Marie ang pangalawa kong anak.     December 22 naman sya pinanganak. Ang name nya sinunod namin sa artista heheheh, kng naalala nyo ang TV series na CHARM yung 3 witch na magaganda. Alysa Milano at HolyMarie Comb yung fave ng asawa ko. naks kahit kami nahirapan kumuha ng name para sa kanya kasi unexpected na may kapatid na si JM. Kung year 2000 pinanganak si JM si Ysang (tawag sa kanya) naman 2003 so 3 years ang pagitan nila.
Seryoso si pangit oh!
Mabait at magiliw sa mga bata si Ysang. Mahilig din kumain. hehehehe naalala ko noon nung 2 years old pa lang sya. Dinala namin sa hospital kasi nahihirapan na huminga at lumaki ang tyan nya. Ang sabi ng doctor    normal naman daw ang bata, huwag lang daw masyadong pabusugin at ingatan ang diet. Isa pang nakakatuwang alaala nung dumalaw kami sa sister ko may isang piling na saging na nakasabit ang sama ng tingin nya, ayun wala pang ilang minuto naubos na nya. Kaya dun sya naaalala ng bayaw ko sa saging. Pero hindi naman sya ganun katakaw mahilig lang talaga sya sa saging. Si Ysang-koy yan ang tawag ko sa kanya game sa lahat ng biruan sabi nga ng asawa ko yan ang katapat mo madaldal at makulit. Malambing din kasi sya hindi sya nahihiya kahit may tao pag gusto nyang maglambing si ate JM naman pino at mahinhin yan ang kinaibahan nilang dalaw.

1 year and 10 months old
 Ang pangatlo at ang pinaka-makulit na anak ko si Sofia Mariel. Ang name nya galing sa isang character sa movie na Mama Mia yung bida sa movie ang name ay Sofia, si Ysang at Jm ang nagpangalan sa kanya dinagdag ko lang ang Mariel para sunod kay ysang at jm. Lahat kasi sila napansin ko M ang second name. June 30, 2009 naman pinanganak si Cha-cha. Napaka biba at madaldal si cha-cha. Kung maingay si ysang mas doble pa sya. Hindi yata napapagod at mahilig din kumanta. Noong nagbakasyon ako panay ang kanta nya ng Korean songs. Favorite daw nya ang 2ne1 kaya pag kinakanta nya ang I dont Care pumipikit pikit pa ang mata. Nagagalit sya pag sumasabay mga kapatid nya sa kanta nya, gusto nya solo lang sya. Sisigaw pa yan ng "ate wag kang kakanta!!!!", sabay resume ulit sa pagkanta nya. Mahilig din sya sa picture pag naiisipan nya sisigaw na lang yun papa picturan mo ako daliiii. Malambing din si chacha naging close sila ng manugang ko kasi isinama sya ng mama ng asawa ko sa probinsya doon sya nagbakasyon. Halos lahat ng kapitbahay kilala sya dahil sa kakulitan at ka bibohan niya. Minsan may kwento sa kanya, nabili sa tindahan wala naman pera sa sobrang kulit at sobrang cute nya natuwa yung tindera at binigyan sya ng kendi. Kaya nung bumalik sya ng Maynila sobrang lungkot daw at umiyak pa ang manugang ko.
Siopao

Masasabi ko na maswerte ako at nabiyayaan ako  ng mga anak na katulad nila. Kapag magkakasama kami sa bahay ay naku sobrang ingay. Naiisip ko noon nag uumpisa pa lang ako sa buhay may asawa . kumuha lang ako noong ng maliit na kwarto para sa aming 3 walang masyadong gamit at tahimik lang kami. Ngayon hay naku ang laki na ng pamilya ko. Kahit mahirap palakihin siyempre hindi naman nawawala ang problema. Pero sila ang nag papa alis ng mga  stress at alalahanin ko, Kung baga sila ang energy drink ko, para tumuloy pa rin at huwag mawalan ng pag-asa. Dahil pag sumuko ako sila ang maapektuhan. Ang drama ko na mahirap talaga pag linggo hays kaka miss mga batang iyan.

Siyempre pati Misis ko miss ko na. nagtatampo na nga yun kasi wala pa pala akong post tungkol sa kanya next na posting ko para sa kanya naman.

Pagpasensyahan nyo na lang ang sulat ko kasi hindi naman ako magaling sumulat. Sinusulat ko lang kung ano ang sinasabi ko hindi ko na alam kung tama ba ang grammar. Hanggang sa uulitin Salamat sa pag babasa.